Calendar
Recto pinuri si PBBM sa napiling economic team
PINAPURIHAN NI Senate President Pro Tempore Ralph Recto kamakailan lamang si President-Elect Ferdinand Bongbong Marcos sa kanyang napiling Economic Team kamakailan lamang.
Ayon kay Recto, ang mga napili ni Marcos ay isang senyas aniya na seryoso ang susunod na administrasyon sa pagsasaayos ng bagsak na ekonomiya ng ating bansa kung saan ay tinawag na itong “premium investment grade.”
Kamakailan lamang, ibinahagi ni Marcos ang kanyang pagpili sa ilang indibidwal na sinasabing gagamitin nito upang itaas ang kasalukuyan sitwasyon pang ekonomiya na sinasabing rin na lugmok/
Kinabibilang eto nina Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Benjamin Diokno bilang kanyang Finance Secretary at ang dating National Economic and Development Authority Chief Felipe Medalla bilang kanyang BSP Governor.
Pinangalanan din ni Marcos ang dating UP President na si Alfredo Pascual bilang kanyangTrade Secretary at Manuel Bonoan na ngayon ay Chief Executive ng San Miguel Tollways Corp., bilang kanyang hepe ng Department of Public Work and Highways, at si Amenah Pangandaman bilang head ng Department of Budget and Management.
Ani Recto, ang mga nasabing tao ay kilala bilang seryoso at may dedikasyon sa kanilang trabaho kung saan ay pinuri niya si Marcos dahil sa pagpili sa mga ito.
“Ben Diokno, Arsi Balisacan, Fred Pascual, Mina Pangandaman, and Felipe Medalla are top-notch
professionals whose skills and experience fit the country’s post-COVID reconstruction needs.” giit ni Recto.
“They possess the vision to chart our progress and the virtues of hard work and honesty to grow our economy. Their combined expertise should make us hopeful that the first bill President BBM will send to Congress, the 2023 National Budget, is a feasible battle plan that combats joblessness, food insecurity, manufacturing lethargy, weak health system, and the education crisis.” dagdag pa ng senador mula sa Batangas.
Iginiit din ni Recto sa susunod na administrasyon sa ilalim ni Marcos ang pagbusisi ng husto upang matiyak na babangon muli ang ekonomiya.
Paliwanag ni Recto, ang masusing pagpili ni Marcos sa mga nabanggit na personalidad ay pagpapakita na lalaban umano ang Pilipinas kahit lugmok ang bansa sa kasalukuyan sitwasyon nito.
“Another urgent document that must be prepared by the new administration is the country’s Five-Year Medium-Term Economic Plan. There is no better crew to oversee the drafting of this guide out of the economic doldrums inflicted by the pandemic than this A-team. Their selection is proof that insofar as this key segment of the Cabinet is concerned, the president-elect admirably used professional credentials as the sole hiring criteria and never factored in politics in his decision.” ani Recto stressed.