BFAR

Red tide alert nakataas sa 5 probinsya

175 Views

Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide alert sa limang probinsya.

Batay sa laboratory result na nakuha ng BFAR at lokal na pamahalaan, positibo sa toxic red tide o Paralytic Shellfish Poison (PSP) ang mga sumusunod:

– coastal waters ng Milagros sa Masbate;

– coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;

– Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur;

– Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at

– Lianga Bay sa Surigao del Sur

Ayon sa BFAR hindi ligtas na kainin ang mga shellfish at alamang na makukuha sa naturang mga lugar.

Maaari naman umanong kainin ang mga mahuhuling isda, hipon, pusit, at alimango sa mga lugar na ito basta aalisin ang internal organ at lulutuin ng mabuti.