Calendar
Rep. Co suportado P82.4B badyet ng hudikatura para sa 2024
SUPORTADO ng chairman ng House Appropriations Committee ang panukalang P82.4 bilyong badyet ng hudikatura para sa 2025.
Binigyan diin ni committee chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang pangangailangan na agarang matugunan ang mga pagkaantala ng mga kaso at pagsisikip sa mga korte na madesisyunan ang mga kaso dahil sa panganib na dala nito sa kabuuang sistema ng hustisya sa bansa.
Tiwala si Co sa strategic plan ng hudikatura para sa mga makabagong pagbabago bilang isang mahalagang hakbang upang malutas ang mga isyung ito.
Kasama sa plano ang paglikha ng isang Supreme Court management committee, digitalization ng mga aklatan ng hudikatura, at pagpapatupad ng mga bagong regulasyon upang mapabuti ang pagpapatakbo at pagiging epektibo ng sistema ng hustisya.
Ayon kay Co ang panukalang pondo ay susuporta sa mga inisyatibang ito at iba pang mga reporma na naglalayong mapabuti ang pamumuno, itaguyod ang gender-fair language, at pangalagaan ang dignidad ng tao sa loob ng judiciary. \
Hinimok din ni Co ang kanyang mga kapwa mambabatas na aprubahan ang badyet, na binigyang-tuon ito bilang isang mahalagang pamumuhunan para sa paglikha ng isang mas epektibo, makabago, at accessible na sistema ng hustisya para sa lahat ng mga Pilipino.
Pinagtibay din ng mambabatas ang kanyang pangako sa pagsuporta sa mga reporma na magpapatibay sa hudikatura at magpapalakas sa rule of law, na tinitiyak ang mabilis at patas na katarungan para sa bawat Pilipino.