Calendar
Rep. Frasco pinasinyaan pinatayong covered court
Sa Guinsay Elementary School
MULING pinangunahan ni House Deputy Speaker at 5th Dist. Cebu Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang pagpapasinaya sa ipinatayo nitong bagong covered court para sa Guinsay Elementary School sa Danao City Cebu na magbibigay ng malaking benepisyo para sa mga mag-aaral.
Sinabi ni Frasco na malaking kombinyente o convenience ang maibibigay ng bagong ipinatayong cover court para sa mga estudyante ng Guinsay Elementary School sapagkat dito na nila maaaring ganapin ang kanilang iba’t-ibang school activities tulad ng intramurals at graduation ceremonies.
Ayon kay Frasco, dahil sa bagong covered court ng paaralan maiiwas din ang mga mag-aaral sa peligro ng karamdaman dahil hindi na sila ma-expose kapag tag-ulan at tag-init. Kung saan, karamihan sa mga estudyante ng Guinsay Elementary School ang nagkaka-sakit dahil sa nababasa sila ng ulan.
Bukod dito, ikinagalak din ng mga guro at magulang ng mga estudyante sa Guinsay Elementary School ang kabutihang loob ni Frasco matapos itong mag-deonate ng P50,000 mula sa kaniyang personal funds para sa Parent’s and Teacher’s Association (PTA) bilang suporta sa kanilang mga programa at aktibidades.
Nauna rito, patuloy ang pagkakaloob ni Frasco ng natatangi at de-kalidad na serbisyo para sa kaniyang mga kababayan makaraang mamahagi ang kongresista ng nasa P1.6 million cash assistance para naman sa mga benepisyaryo ng Catmon, Cebu.
Sinabi ng mambabatas na ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryo ng ipinamigay nilang cash assistance ay nasa 369 na pawang mga indigent resident ng Catmon Cebu. Kung saan, ang bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng P4,350 para matulungan silang makabangon mula sa COVID-19 paandemic.
Kasama ni Frasco sa paglulunsad ng “cash assistance program” ay sina Board Member Mike Villamor, Catmon Mayor Avis Monleon, Vice-Mayor Armel Poro. Kabilang ang iba pang Municipal at Barangay officials.