Yedda Bilang pagkilala ng Tingog Partylist at ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, si Olympic medalist Aira Villegas at kanilang binigyan ng bahay at lupa sa Camella Homes na nagkakahalaga ng P6.5 milyon at isang bagong Mitsubishi Expander.

Rep. Yedda Romualdez pinangunahan mainit na pagtanggap kay Olympic medalist Aira Villegas sa Tacloban City

83 Views

Yedda1Yedda2Yedda3Yedda4PINANGUNAHAN ni Tingog Partylist Representative Yedda Romualdez ang mainit na pagsalubong sa Olympic bronze medalist na si Aira Villegas sa pag-uwi nito sa Tacloban City ngayong Biyernes, Agosto 23.

Nakasama ni Rep. Yedda sa pagsalubong si Tingog Director for Community Engagements Mamshie Karla Estrada, at mga opisyal ng Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at iba pang opisyal ng lungsod.

Ipinaabot ni Rep. Yedda ang kanyang taus-pusong pagbati kay Villegas sa pagdadala nito ng karangalan hindi lamang para sa Tacloban kundi sa buong Pilipinas mula sa katatapos na 2024 Paris Olympics.

Sinabi ni Rep. Yedda na si Villegas ay nagsisilbing inspirasyon sa bagong henerasyon ng mga atleta mula sa kanilang rehiyon.

Bilang pagkilala ng Tingog Partylist at ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, si Villegas at kanilang binigyan ng bahay at lupa sa Camella Homes na nagkakahalaga ng P6.5 milyon at isang bagong Mitsubishi Expander.

Kasabay nito, ang lahat ng mga manlalaro mula sa Eastern Visayas na lumahok sa 2024 Palarong Pambansa ay binigyan din ng tig-P10,000 sa ilalim ng AKAP ng DSWD.

Ang mga medalist mula sa rehiyon ay binigyan din ng mag-asawang Romualdez ng dagdag na insentibo ang mga nanalo. Tig-P7,000 para sa 26 na nakakuha ng bronze medal, tig-P8,000 para sa 15 silver medalists, at P10,000 para sa 20 gold medalists.

Muli namang tiniyak ni Rep. Yedda ang pagsuporta nito at ng mister na si Speaker Romualdez sa mga atleta upang maabot ang kanilang mga pangarap.

Sinabi ni Rep. Yedda na magsusumikap din ito sa paggawa ng mga batas upang mas matutukan ang mga manlalaro at makapagdala ng karangalan sa bansa.