Romero

Report ng PSA sa pagbaba sa bilang ng mga Pinoy na jobless ikinagalak ng House Committee on Poverty Alleviation

Mar Rodriguez Jan 15, 2025
13 Views

BILANG chairman ng House Committee on Poverty Alleviation. Ikinagalak ni 1-PACMAN Party List Rep. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D. ang inilabas na report ng Philippine Statistics Authority (PSA) patungkol sa pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.

Sabi ni Romero na maituturing na isang magandang development sa pagpasok ng 2025 ang ulat na inilabas ng PSA matapos ipahayag ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na nasa 166 milyong Pilipino na lamang na nasa edad na 15 anyos pataas ang walang trabaho noong nakaraang taon.

Dahil dito, ipinahayag ni Romero na ang resulta ng PSA report ay nagpapakita lamang ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan para solusyunan ang kahirapan sa bansa kung saan kasama sa ulat ng nasabing ahensiya na tumaas din ang bilang ng mga employed persons sa 49.54 milyon noong nakaraang taon kumpara sa 48.16 noong Oktubre 2024.

Ayon sa kongresista, ang pagpapalakas ng labor market ang isa sa mga nakikita niyang dahilan kung bakit nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sapagkat tumaas ang nabigyan ng trabaho sa accommodation at food services activities noong November 2024.

Habang sinabi naman ng National Economic Development Authority (NEDA) na patuloy na lumalabas ang labor market sa bansa na itinuturing na solusyon sa pagbaba sa bilang ng mga jobless na Pilipino.

Sabi pa ni Romero na ang pagbaba ng unemployment sa bansa ay isang magandang indikasyon na unti-unti ng bumubuti ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpasok ng mga negosyo sa bansa.

Ganito rin ang ipinahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na ang pagbaba sa bilang ng mga walang trabaho at underemployment ay nangangahulugan na patuloy na lumalago ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng pamamahala ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.