Yedda

Reps. Yedda, Acidre isinulong proteksyon sa mga Good Samaritans sa panahon ng emergency

Mar Rodriguez Aug 4, 2022
197 Views

Acidre

ISINULONG ng dalawang kinatawan ng TINGOG Party List Group sa Kamara de Representantes ang isang panukalang batas na naglalayong protektahan ang mga tinatawag na “good samaritans” na nagkakaloob ng kanilang tulong sa panahon ng isang “emergency situation”.

Ipinaliwanag nina TINGOG Party List Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre na layunin ng kanilang panukala na protektahan ang ilang indibiduwal na nagsisilbing “good Samaritans” sa panahon na mayroong emergency sa bansa.

Sinabi ni Acidre na sa ilalim ng House Bill No. 1949, ang pagkakaloob ng proteksiyon para sa mga “good samaritans” ay sa pamamagitan ng “legal liability, kung ang kailang naging tulong ay napakinabangan at naaangkop sa isang partikular na sitwasyon.

“This will seek to support individuals who sought to assist during times of emergencies by protecting them from legal liability if their aid was useful and appropriate to the situation’s de-escalation,” paliwanag pa ni Acidre patungkol sa HB No. 1949.

Ang nasabing panukalang batas ay tinituluhan bilang “Good Samaritan Act of 2022” kung saan, ni-refer naman ito ng Plenaryo sa House Committee on People’s Participation.

“With the present number of people within the country, there are bound to be situations where civilian assistance will not only be valuable but necessary to ensuring safety of the populace,” sabi pa ni Acidre.

Idinagdag pa ni Acidre na may ilang indibiduwal o mamamayan ang nagnanais na magbigay ng tulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng “legal aid” subalit nangangamba naman ang mga ito nab aka magkaroon ng “negative repercussion” ang ipagkakaloob nilang tulong.

“There would also be situations where civilians will have the desire to provide aid to legal channels yet fear the negative repercussion of their actions,” ayon pa kay Acidre.