Marbil1

Rice allowance ng mga pulis tuloy — Marbil

Alfred Dalizon May 1, 2024
120 Views

MAHIGPIT na pinabulaanan ni Philippine National Police (PNP) chief, General Rommel Francisco D. Marbil ang mga pinapakalat na balita sa social media na ipinagutos na niya ang pagtatanggal ng rice allowances ng mga pulis para i-donate ang mga ito sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) o mga nakakulong sa iba`t-ibang piitan sa bansa.

Hindi totoo ang mga negatibong balitang ito sa social media at tinawag ito ng PNP chief na ‘baseless accusations’ na pinapakalat ng kanyang mga detractors lalo na yung mga lubos na naapektuhan ng kanyang mga isinasagawang reporma sa Pambansang Pulisya

“I have not issued any directive concerning the rice allowances of PNP personnel nor do I have any intention to do so,” sinabi ng ika-30 PNP chief sa bansa.

Ayon sa kampo ng opisyal, ang mga mapanirang ulat na ito ay malinaw na ginagawa ng mga taong walang iniiisip kundi siraan ang PNP chief na una nang naglahad na ang kanyang mga programa lalo na ang smart policing ay layuning mapanumbalik ang magandang reputasyon ng Pambansang Pulisya

“It is evident that those who have tarnished the name of the PNP are resorting to fabricating lies to malign his policies as the new PNP chief,” ayon sa sang pahayag mula sa PNP.

Lubos ding ikinadismaya ni Gen. Marbil ang ginawang pagpapakalat ng tatlong ‘fake items’ ng kanyang mga detractors para siraaan siya sa buong kapulisan at sinabing ang lahat ng ito ay pawang kathang-isip lamang.

Ang tatlong ‘fake items’ ay ang mga sumusunod: Una, ang pagsama sa tinatawag na ‘inverted crawl’ sa kanilang Physical Fitness Test na sinabi ng Hepe ng PNP na isang malaking kasinungalingan at ‘malicious falsehood’ dahil lubos itong kumokontra sa kanilang intensiyon na mapadali ang PFT ng mga pulis.

Pangalawa ay ang pekeng report na ang ‘Rice Subsidy, Combat Incentive Pay and Combat Duty Pay’ ng mga pulis ay ‘automatically topped up to the regular salaries ‘ ng mga miyembro ng PNP sa kanilang ATM cards. Sinabi ni Gen. Marbil na imposible na i-donate ang mga naturang allowances na ipinapahiwatig ng naturang fake item.

Dagdag pa niya, ang pagtaas ng ranggo ng isang pulis ay may kaakibat na dagdag-suweldo at dahil dito, walang dahilan para sa isang ‘separate annoucement’ katulad ng sinasabi ng pinapakalat na fake news para i-discredit ang PNP chief.

Binantaan ni Gen. Marbil ang mga taong naninira sa kanya para idiskaril ang kanyang mga magagandang plano sa Pambansang Pulisya na sila ay mahuhubaran din ng maskara at malalapatan ng mga kaukulang kasong administratibo.

“A thorough investigation is currently underway to identify the source of this malicious campaign, and those responsible will face the harshest possible sanctions,” sinabi ng mataas na opisyal kasabay ng paglalahad na hindi niya ito-tolerate ang mga gumagawa nig vicious assaults sa kanyang pamunuan.

Umapila din ang Pambansang Pulisya sa publiko na maging mapagmatyag at mapanuri sa mga lumalabas na ‘fake news’ sa social media. Kung sakaling may mabasa o madinig na mga balita tungkol sa mga polisiya at inisiyatibo ng PNP, dapat ng mag-check ang madla kasama ang mga miyembo ng kapulisan sa mga verified sources for accurate updates.

“The PNP, under Chief Marbil’s guidance, is unwavering in its commitment to serve and protect the Filipino people with utmost professionalism and integrity,” mahigpit na sinabi ng PNP sa kanilang pahayag.

Ang mga ‘pekeng balita’ sa social media ay nagsimulang lumabas mula noong ipalabas ni Gen. Marbil ang kanyang ‘no ‘no cellphone’ policy sa mga pulis habang nasa duty.

Ang pagpapatupad ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group ng polisiya ni Gen. Marbil ay tinanggap ng mayorya ng PNP ngunit may mangilan-ngilan ang gumagawa ng fake news dahil naapektuhan sila ng nasabing direktiba, napag-alaman ng People’s Tonight.

Sinabi ni PNP-IMEG director, Brigadier Gen. Warren F. De Leon na nakakuha na ng mga video at litrato ng halos 20 pulis, karamihan sa kanila ay beat patrollers na sinusuway ang ‘no cellphone’ policy ng PNP chief.

Ang mga ito ay nakuhahan ng video at litrato habang naglalaro ng mobile games, nanonood ng TikTok, nagba-browse ng Facebook at mas masahol pa, nanoood ng pornographic videos sa kanilang mobile phones habang naka-duty.

Ibinigay na ng PNP-IMEG ang mga report kasama ang mga ebidensiyang larawan at video sa mga immediate superiors ng mga violators para sa pagsasagawa ng kaukulang administrative actions

Ayon pa kay Brig. Gen. De Leon, may mga ibang pulis na dahil sa pagkainis sa ‘no cellphone use’ policy ni Gen. Marbil ay nagpapakalat ng mga fake news sa ibat-ibang social media platforms para pahiyain ang PNP leadership sa kabuuan at ang IMEG sa particular dahil ito ang main implementor ng nasabing direktiba.

Binanggit niya ang isang social media post na pinagpasa-pasahan na ng ibat-ibang miyembro ng kapulisan kasama ang mga maaanghang na komento tungkol sa isang miyembro ng Basilan Police Mobile Force Company na binaril at napatay ng isang motorcycle backrider sa Lamitan City noong nakaraang Abril 23.

Ayon kay Brig. Gen. De Leon, pinalabas ng pekeng social media post na ang pinatay na miyembro ng Basilan police ay tauhan ng PNP-IMEG na binaril ng isa ring pulis dahil kinukumpiska niya ang cell phone nito dahil sa paglabag sa ‘no cellphone’ policy ni Gen. Marbil.

Ito ay isang napakalaking kasinungalingan at walang miyembro ng IMEG ang binaril ng isang pulis din dahil sa pagganap ng kanyang tungkulin, sinabi ng opisyal.

Ayon kay Gen. Marbil, siya ay nagpalabas na ng mga initial guidelines para sa pagsasagawa ng tamang reporma sa PNP.

Kabilang dito ang ang mga sumusunod: Limited duration for mass formation and flag-raising ceremonies (15 to 20 minutes only); Prompt presence and functionality in respective offices before 8:00 a.m.; Strict prohibition of cellphone use while on patrol duty, with severe penalties for violators;

Simplification of PNP personnel compliances to make their lives easier; Implementation of new Unit Performance Evaluation Rating (UPER) criteria; Accomplishment of 70% of warrants of arrests for wanted individuals; Removal of favoritism in promotion and assignments;

Elimination of exclusivity for promotion among 3rd level Police Commissioned Officers (PCOs); Restriction of Police Community Relations (PCR) activities to Police Regional Offices (PROs) only, excluding National Operational Support Unit (NOSU) and National Administrative Support Unit (NASU);

Non-reassignment of any PNP personnel facing a case to their previous units; Conducting meetings exclusively through Zoom conference to optimize the time of unit commanders; at Removal of 24-hour duty for police personnel.