Calendar
Rice discount voucher system ilalarga para matulungan 7M pamilya— Speaker Romualdez
MAY inilaang pondo ang Kongreso sa ilalim ng P5.768 trilyong budget para sa 2024 upang ipatupad ang isang revolutionary program ng administrasyong Marcos upang matulungan ang 7 milyong mahihirap na pamilya na makabili ng bigas.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang monthly rice discount vouchers program ay recalibration ng Bagong Pilipinas Community Assistance and Rice Discount (CARD) na ipinatupad ngayong taon.
“This program is our strong response to President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.’s call to the House of Representatives to come up with means to bring down the price of rice for disadvantaged Filipino families in difficult situations. It will benefit seven million families across legislative districts in the country, or roughly 28 million people,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.
Ang bagong programa ay nabuo sa pagtutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian at mga lokal na pamahalaan.
Sa ilalim ng programa makabibili ang mga benepisyaryo ng 25 kilong de kalidad na bigas sa murang halaga.
“This is a recalibration of our Cash and Rice Distribution (CARD) Program, and we made it more sustainable by transforming it into a rice discount voucher program so that more families can enjoy buying affordable rice,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Ang programa ay nakapailalim sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD sa susunod na taon.
Sinabi ni Speaker Romualdez na nagkasundo ang Kamara at ang Senado upang pondohan ang programa sa isinagawang pagdinig ng bicameral conference committee para sa panukalang budget para sa susunod na taon upang matupad ang nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibaba ang presyo ng bigas.
Sa pamamagitan ng programa, sinabi ni Speaker Romualdez na matutulungan ang mga mahihirap na pamilya na makabili ng de kalidad na bigas sa pamamagitan ng voucher.
Ayon kay Speaker Romualdez gagamitin ang teknolohiya para sa pamimigay ng voucher upang mabantayan ito at masiguro na magagamit para sa layunin nito.
“This program is to show all Filipinos that Congress and the administration of President Marcos Jr. are doing everything to bring down the price of rice for a more significant number of Filipino families. Ang kapakanan ng pamilyang Pilipino ang aming nasa isipan sa proyektong ito,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.