Momo

Right of Way Bill inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara

Mar Rodriguez Feb 6, 2023
211 Views

INIHAYAG ngayon ni House Ferdinand Martin Gomez Romualdez na inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas patungkol sa Right of Way (ROW) para sa mga national government infrastructure projects na magsusulong ng pag-unlad sa mga lalawigan.

Binigyang diin ni Speaker Romualdez na sa pamamagitan ng 239 boto mula sa mayorya ng mga kongresista. Inaprubahan na ng Kongreso ang House Bill No. 6571 na inakda ni Surigao del Sur 1st Dist. Cong. Romeo S. Momo, Chairman ng House Committee on Public Works and Highways.

Sinabi ni Romuldez na ang pagkakapasa ng nasabing panukalang batas ang makapagbibigay ng mga trabaho at magsusulong ng pag-unlad sa mga lalawigan sa pamamagitan ng iba’t-ibang infrastructure projects na pasisimulan ng pamahalaan.

“The timely implementation of these infrastructures will benefit speed up mobility and interconnectivity which in turn will result in lower transportation costs,” paliwanag ni Speaker Romualdez.

Ayon naman kay Momo, ang pagkakaroon o “acquisition” ng “right of way” sa mga private properties ang nagpapabagal at nagpapaudlot sa mga isinusulong na infrastructure projects ng gobyerno tulad ng pagsasa-ayos ng mga kalsada,, tulay, expressway, railways, airports at iba pa.

“Nagpapasalamat tayo kay Speaker Martin Romualdez at pumasa na itong panukalang batas natin tungkol sa right of way. Sa pamamagitan ng batas na ito, nakikita natin na mas mapapabilis at magiging madali ang pagsusulong ng mga infrastructure projects ng ating gobyerno,” sabi naman ni Momo.