Robin

Robin isinulong scholarship, health services para sa mga magasasaka

200 Views

ISINULONG ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang scholarship at health services para sa magsasakang benepisyaryo ng Rice Tariffication Act (Republic Act 11203).

Sa Senate Bill 231, iminungkahi rin ni Padilla na palakihin ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para maging mas competitive ang ating magsasakang Pinoy.’

“This measure also proposes to increase the amount earmarked for RCEF from P10 billion annually to P15 billion to aid our farmers in reducing the rice production cost while increasing farmer incomes. In addition to the proposed amendments, this representation proposes that 10% of the RCEF shall be made available for scholarship, health and other similar benefits for the rice fund beneficiaries,” ani Padilla.

Ayon sa mambabatas, marami ang naging butas sa pagpapatupad ng naturang batas, kabilang dito ang pagpasok ng imported na bigas kung kaya’t napilitan ang ating magsasaka na ibaba ang presyo ng kanilang produkto.

Hindi rin naibaba ang production cost para sa Pilipinong magsasaka sa kabila ng P10-bilyong taunang RCEF para sa farm mechanization, seed development, propagation and promotion, at credit assistance and extension services.

Sa ilalim ng panukalang batas, iminungkahi rin ni Padilla na:

* Payagan ang pag-export ng bigas maliban sa harvest season;

* Itaas ang RCEF mula P10 bilyon sa P15 bilyon kada taon sa susunod na anim na taon;

* Ilaan ang 20% ng Rice Fund sa rice seed development, propagation and promotion; at

* Ilaan ang 10% ng Rice Fund sa scholarship, health at ibang benepisyo sa magsasakang benepisyaryo.