Leni

Robredo lumipat ng maliit na bangka  mula sa mamahaling yate para sa photo op

Nelo Javier Mar 18, 2022
255 Views

Netizens binanatan ang drama pati ‘alyansa’ sa CCP-NPA

KUMAKALAT ngayon sa social media ang ilang larawan ni Leni Robredo kasama ang kanyang katambal na si Kiko Pangilinan na bumababa sa isang maliit na bangka para mangampanya sa isang lugar sa Basilan sa Mindanao kamakailan.

Kasabay nito, binanatan naman ng ilang netizens ang tila lakas ng loob ni Robredo na bumaba sa Basilan kahit sa kalagitnaan ng gabi na alam naman na kilalang lugar ng ilang teroristang Abu Sayyaf.

Ilan pa ang nag-kwestiyon na tila totoo nga ang sinabi ni Sharon Cuneta sa isang campaign sortie ng kampo ni Robredo na bukod sa NPA ay “friends na rin sila sa Abu Sayyaf.”

“Bukod sa NPA mukang pati nga teroristang Abu Sayyaf friends na rin nila, katulad ng sabi ni Sharon (Cuneta),” giit ng isang netizen.

Kamakailan ay matatandaang sinabi ni Cuneta sa isang campaign sortie na “siya (Robredo) ang kauna-unahang presidente na paniniwalaan ng NPA. Pati Abu Sayyaf friends na natin.”

Kahit naunang sinabi ni Cuneta, na fake news ito at ‘That’s not true”, idinagdag niya na, “Pero kung totoo iyun, Si Leni ang kauna-unahang presidente na may ‘link’ sa NPA.

Ibinuking pa ng ilang netizen partikular ang mga taga-Mindanao na tila drama lamang ang nangyari dahil nakita nila na sumakay sa mamahaling yate at speedboat ang grupo ni Robredo at lumipat lamang ito sa maliit na bangka nang malapit na sila sa Basilan.

“The photo-op dramas and hakot continue. A TV network released this picture of Leni disembarking from a banca upon reaching Basilan,” ayon sa netizen na si Jay Padriga.

“Some Basilan residents who saw the VP’s arrival now say that she and her team used a yacht and speedboat, but they transferred to a banca before reaching the port. Why? For better visual impact when released by the mass media, maybe?,” tanong pa ni Padriga.

Nagpakita rin si Padriga ng ilang mga van sa lugar na tila naghakot ng crowd ang grupo ni Robredo.

“The white vans are already lined up. Nag-ambangan na naman ang mga Ito,” dagdag pa ng netizen.

Giit naman ng isa pang netizen, tila ang kinuha lamang ng media ay ang pagsakay ni Robredo at kanyang grupo sa maliit na bangka pero sinadyang hindi isinama ang pagsakay nila sa yate at speedboat.

“Bakit yung sa maliit na bangka lamang ang ipinakita, siguro para may drama? Para magmukang para sila sa masa,” ayon naman sa Isang netizen.

“Hindi na uubra sa amin ang ganyang gimik,” ayon naman sa isa pang netizen na nagpakilalang residente ng Basilan.