Sen Pacquiao

Romblon LNB, Madrona sumusuporta kay Pacquiao

Mar Rodriguez Mar 6, 2025
15 Views

Sen Pacquiao Sen Pacquiao Sen PacquiaoNAGPAHAYAG ng suporta para kay “Pambansang Kamao” at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial Candidate Manny “Pacman” Pacquiao ang Liga ng mga Barangay sa Romblon kasama na ang mga lokal na opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona.

Patuloy na pinagtibay ni Pacquiao ang kaniyang suporta para sa mga mahihirap na mamamayan sa iba’t-ibang lalawigan upang tulungan silang maibsan ang kanilang kahirapan sa pamamagitan ng pagsusulong nito ng livelihood programs.

Sa pakikipag-diyalogo ni Pacquiao sa mga opisyal ng Barangay sa Romblon, binigyang diin nito ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga barangay workers, health workers at frontliners sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Paliwanag ng dating senador na ipinamalas ng mga barangay workers at health workers ang kanilang dedikasyon sa trabaho at pagmamahal sa bayan noong panahon ng pandemic kung saan isinakripisyo nila ang kanilang oras, panahon at sarili para pagsilbihan ang napakaraming Pilipino na tinamaan ng COVID.

Sinabi pa ni Pacquiao na hindi matatawaran ang dedikasyon ng mga barangay workers at health workers. Sa kabila ng kanilang malaking sakripisyo sinikap pa rin nilang panatilihin ang kaayusan at pagbibigay ng mahalagang serbisyo sa gobyerno.

Winika din ng dating 8th division world boxing champion na ang mga nagsisilbi sa barangay ang unang takbuhan ng ating mga kababayan sa oras ng kanilang pangangailangan lalo na sa panahon ng malaking sakuna sapagkat sila ang nasa frontline laban sa krimen.

“Ang mga barangay ang unang takbuhan ng ating mga kababayan sa oras ng panganmgailangan. Sila ang nasa harapan sa laban kontra krimen, sa disaster responce at sa pagtiyak na may tulong ang mga mahihirap. Oras na para bigyan sila ng tamang suporta,” sabi ni Pacquiao.