AFP

Romero kauna-unahang chairman ng AFP reservist association

Mar Rodriguez Feb 8, 2024
132 Views

AFP1AFP2INIHAYAG ng chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Congressman Michael “MIkee” L. Romero, Ph.D., na iniluklok siya kamakailan bilang kauna-unahang chairman ng bagong tatag na Armed Forces of the Philippines (AFP) reservist association.

Sinab ni Romero, isang Lieutenant Colonel sa Philippine Air Force (PAF) reserve corp, na naluklok siya bilang chairman ng grupo sa ginanap na kuna-unahang meeting ng advisory board at board of trustees ng Association of Reservist and Reservist Administrators of the Philippines.

Nabatid kay Romero na agad naman siyang nanumpa kabilang ang iba pang opisyales ng nasabing grupo kay Major General Joel Alejandro Nacnac, Deputy Chief of Staff for reservist and retiree affairs na ginanap sa Camp Aguinaldo, Quezon City na dinaluhan ng ilang matataas na opisyal ng AFP.

Sa kaniyang mensahe sa harap ng kaniyang mga kapwa reservists, hinihikayat ni Romero ang kaniyang mga kapanalig na mas lalo pa nilang pag-ibayuhin o i-harness angkanilang kakayahan o skills para suportahan ang AFP na maisulong ang misyon nito para mapanatili ang kapayapaan ng bansa.

“We can participate in nation building as well by indertaking civic activities like medical missions, helping construct small community facilities like what our counterparts in the active service do whenever there are joint military exercises and getting ourselves involved in rescue and relief operations during calamities,” sabi ni Romero sa kaniyang mensahe.

Pinasalamatan din ng kongresista si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr. dahil sa walang sawa nitong suporta para sa hanay ng mga reservist association. Kasama na si Gneral Nacnac dahil sa suporta din nito para matuloy ang pagbubuo sa grupo ng mga reservist at sa kauna-unahang meeting nito.

“The reservists can also help the AFP leadership in explaining to its members the issues involving the military,” sabi pa ni Romero.