Martin1

Romualdez nagpasalamat, pinuri si Duterte

Mar Rodriguez Jun 30, 2022
222 Views

PINASALAMATAN at pinapurihan ni incoming House Speaker at Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa napakahusay na pamamalakad nito sa loob ng anim na taong panunungkulan nito bilang pinaka-mataas na lider ng bansa.

Sa pagtatapos ng anim na taong termino ni Duterte ngayong araw, hindi pinalampas ni Romualdez ang pagkakataon para papurihan at pasalamatan ang dating Pangulo matapos ang matagumpay na paglilingkod nito sa Sambayanang Pilipino.

Sinabi ni Romualdez na pagkatapos tanggapin ni Duterte si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Malakanyang Huwebes bilang bahagi ng “protocol at tradition” babalik na aniya ang dating Pangulo sa pribado nitong buhay.

“You are loved by patriotic and peace-loving Filipinos. You created the blueprint in making our country safe, secure and connected. For these reasons alone, you are one of the most accomplished leaders the Philippines has ever had,” sabi ni Romualdez.

Sinabi pa ng mambabatas na higit na maaalala ang administrasyong Duterte ng mga pangkaraniwang Pilipino o “common folk” dahil sa isinulong nitong nitong “Build, Build, Build” program sa pamamagtan ng mga infrastructure developments.

Ipinaliwanag pa ni Romuldez na kabilang din sa mga maaalala sa dating Pangulo ay ang walang kinatatakutang kampanya nito laban sa paglaganap at talamak na bentahan ng illegal na droga at ang pagsugpo naman ng pamahalaang Duterte sa talamak na kriminalidad.

Dahil dito, binigyang diin ni Romualdez na matapos masugpo at masawata ni Duterte ang illegal na bentahan ng ipinagbabawal na gamot at mapuksa ang kriminalidad ay nakaramdam ng katahimikan ang ilang mamamayan lalo na sa pagsapit ng dilim.

His legacy will continue in his daughter, Vice-President-elect Inday Sara Duterte who has proven to be tough but caring and unselfish leader. Together with President-Elect Bongbong Marcos. They will see to it that President Duterte’s effort exerted in past six years won’t go to waste,” sabi pa ni Romualdez.