Beaufils

Romualdez, UK envoy pinagusapan pinalakas na relasyon ng PH, UK

Mar Rodriguez Jun 18, 2022
273 Views

Beaufils1

NAGKAROON ng pagpupulong sa pagitan nina incoming House Speaker – House Majority Leader at Leyte 1st Dist. Rep. Martin G Romualdez at British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils sa tahanan ng mambabatas upang pag-usapan kung paano mapapa-unlad ang “foreign relation” sa pagitan ng United Kingdom (UK) at Pilipinas.

Nagbigay naman si Romualdez ng “plaque of appreciation” kay Beaufils kung saan, bilang pasasalamat, binigyan naman ng British Ambassdor ng “special tea collection” mula sa UK ang Majority Leader.

Pinag-usapan nina Romualdez at Beaufils ang pagpapaunlad sa relasyon ng Pilipinas at UK sa pamamagitan ng “academic excellence at economic cooperation”.

Binigyang importansiya din sa pulong ang pagpapatibay sa“financial partnership” ng dalawang bansa.

Napag-usapan din nina Romualdez at Beaufils ang paglalatag ng mga solusyon para tugunan ang problema ng “climate change” at ang pagsusulong naman ng“clean energy”.

SandroMartin

Bukod kay Beaufil, nakipagpulong din kina Romualdez at Ilocos NorteRepresentative-Elect Sandro Marcos si Korean Ambassador to the Philippines Inchul Kim upang pagusapan ang pagpapatibay at pagpapalakas ng “partnership” sa pagitan ng dalawang bansa.