Martin

Romualdezes inihain ang bill upang gawing hi-tech serbisyo sa gobyerno

Mar Rodriguez Jul 6, 2022
243 Views

INIHAIN ni incoming House Speaker at Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez ang isang panukalang batas upang gawing “digital o internet platform” ang ilang ahensiya ng pamahalaan para mas lalong mapabuti, mapabilis at mabisa ang kanilang serbisyo.

Bukod kay Romualdez, kabilang din sa mga co-author ng House Bill No. 3 ay sina Party List Reps. Yedda Marie K. Romualdez, Jude Acidre at Ilocos Norte Ferdinand Alexander Marcos.

“The shift to digital platforms has been long time coming. The COVID-19 pandemic only expedited the need for its execution, the policies in the new normal must be responsive to the needs of the populace and allow them to truly feel a sense of normalcy rather than burden them with inevitable but avoidable restrictions,” sabi ni Romualdez.

Ipinaliwanag din ni Romualdez na ang “digitalization” sa serbisyo ng mga ahensiya ng gobyerno ay isa sa pinaka-mabisang sistema at solusyon para mabilis na maibigay ang kaukulang serbisyo sa publiko.

“It is high time to enact a law that would require all government agencies to transition to digital platforms. The proposed E-Governance Act seeks to establish an integrated, interconnected and interoperable information resource sharing and communication network which shall include internal records, management information syste, information data base and digital portals,” dagdag pa ni Romualdez.