BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Mag-jowa wiz visible sa socmed mga ganap
Feb 23, 2025
Nagyayang mag-sex sa 2 bebot dedo sa kadyot
Feb 23, 2025
Calendar

Nation
Russia handang tumulong sa PH sa paghahanap ng energy source
Ryan Ponce Pacpaco
Jun 14, 2022
224
Views
HANDA umano ang Russia na tulungan ang Pilipinas sa paghahanap nito ng mapagkukunan ng enerhiya.
Ito ang sinabi ni Russian Ambassador Marat Pavlov na nag-courtesy visit kay President-elect Ferdinand Marcos Jr.
“It is a sovereign period, we are ready to cooperate with the Filipino side, and to extend our helping hands, to satisfy the needs in the sources of energy,” sabi ni Pavlov.
Dahil sa Russia-Ukraine crisis ay tumaas ang presyo ng produktong petrolyo.
Sinabi ni Pavlov na handa ang Russia na mapalawig ang pakikipag-ugnayan nito sa Pilipinas.
Ayon naman kay Marcos makikipag-ugnayan ang bansa sa Russian Federation subalit pananatilihing nito ang independent policy kaugnay ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Panawan ng caucus sa Senado tinanggihan
Feb 23, 2025