Sandro-BBM Sina Sandro Marcos at UniTeam standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sandro ‘People’s favorite’

286 Views

Sandro-BBM1Nagmana sa ama sa lakas ng hatak sa tao

NAGKULAY pula at berde ang buong provincial capitol compound ng Laoag City sa Ilocos Norte matapos magpunta ang libo-libong taga-suporta para makita ng personal ang Team Marcos na pinangungunahan ni congressional bet Sandro A. Marcos.

Si Sandro, anak ni presidential front-runner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, ay kitang-kita na “people’s favorite” at nagmana sa ama sa lakas ng hatak sa mga tao.

Dahil dito ang ginanap na kickoff rally para sa local candidates ay nagmistula na ring campaign rallly ni BBM at ng UniTeam dahil sa suportang ipinakita ng mga tao para sa kanila.

“Siguro magrereport muna ako sa inyo kung ano ang nangyayari sa aming campaign para sa halalan sa Mayo. Ang masasabi ko sa inyo, mukhang maganda at mainit ang pagtanggap sa adhikain namin ng pagkakaisa kaya’t dumarami ng dumarami ang ating mga kasama,” sabi ni Marcos.

“I am happy to report na sa aking palagay ay may nakikita tayong pag-asa dito sa halalan sa Mayo…kaya’t kailangan ay buuin talaga natin at ipakita natin sa buong Pilipinas kung ano ang tunay na ibig sabihin ng ‘Solid North’ dito sa atin,” dagdag niya bago ipakilala ang kaniyang anak.

Hiyawan at sigawan ang lahat ng tawagin ni Bongbong ang kaniyang anak na ayon sa kaniya’y kaniyang ipinagmamalaki dahil sa pagnanais nitong pagsilbihan ang taumbayan.

“It is a source of great pride to see my son follow the footsteps of his great-grandfather, grandfather and his father into the realm of public service…That is why ladies and gentlemen, ang susunod na deputado ng unang distrito, Sandro Marcos!” wika ni Marcos.

Para kay Sandro, sinisiguro niya na ang kaniyang karanasan sa pagtatrabaho sa tanggapan ni Majority Floor Leader Martin Romualdez sa Kongreso at sa tanggapan ng gobernador ng Ilocos ay inihanda siya sa kaniyang pagseserbisyo publiko.

Inilatag din ni Sandro ang kaniyang mga plano para mas mapaganda at mapabuti ang kanilang lalawigan pati na rin ang buhay ng mga Ilokano.

“Hangad ko po, sa tulong po ng Presidente Bongbong Marcos, Vice President Inday Sara Duterte at ng buong Team Marcos, ang pagbangon ng ating minamahal na Ilocos Norte, babangon ang ating minamahal na Ilocano. Ang plataporma ko po teknolohiya, trabaho at agrikultura,” sabi niya.

“Gagamitin natin ang galing ng mga Ilokano sa pag-unlad ng ating probinsya. At ngayon po nagsimula, kung may kilusan sa pagkakaisa, dito sa unang distrito ng Ilocos Norte ang kilusan para sa tunay na pagbabago. Basta tayo’y nagsama-sama ang inaakala nating mabigat ay biglang nagiging magaan, ang akala nating mahirap ay magiging madali,” dagdag pa nito.

Ito ang unang beses na tatakbo ang isang Marcos para sa congressional seat sa unang distrito ng Ilocos Norte.

Ayon naman kay Gov. Matthew Marcos Manotoc, siya’y nagnanais tumakbo muli upang maipagpatuloy ang kaniyang mga nasimulang programa na aniya’y nakatulong sa lalawigan noong panahon ng pandemiya.

“We will carry the trademark Marcos leadership. Nothing will get in the way of putting our province mates first,” sabi ni Manotoc.

Ilang beses na mas nangibabaw ang hiyawan ng mga tao habang nagsasalita ang mga kandidato, patunay ng kanilang buong pagsuporta para sa mga Marcos.