Bautista

Sangley Airport matatapos sa 2023

178 Views

MATATAPOS na umano sa Mayo ng susunod na taon ang Sangley Airport sa Cavite.

Nagsagawa ng inspeksyon sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) acting Director General Captain Manuel Antonio Tamayo at DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Roberto Lim ang Sangley Airport noong Linggo.

Natapos na umano ang Sangley Airport Development Project (Phase I) na nagkakahalaga ng P515 milyon. Kasama rito ang pagtatayo ng mga hangars, passenger terminal building, maintenance building, at powerhouse, at pag-aspalto sa runway at runway shoulder.

Ang Phase 2 na nagkakahalaga naman ng P462.9 milyon ay sinimulan noong Marso 25, 2022. Kasama rito ang pagtatayo ng dalawa pang hangar, pump stations, sheet piling works, airside strip development, reclamation works, at drainage works.

Sinimulan ang proyekto sa ilalim ng Duterte administration.