Calendar

Sanhi ng sunog sa Bulacan iniimbestigahan, 4 patay, 1 sugatan
APAT katao ang nasawi noong Miyerkules ng madaling araw sa sunog sa isang residential area sa Malolos City, Bulacan.
Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gene. Jean Fajardo, ang mga nasawi ay kinilalang sina Philip, Maricel, Feliz at Julienne habang sugatan naman ang 15-anyos na si Seth.
Pawang mga biktima ay residente ng Alido Heights, Bgy. Bulihan, Malolos City, Bulacan.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog dakong alas-3:41 ng umaga at idineklara itong kontrolado alas-4:13 ng umaga.
Sa clearing operation ng mga rumespondeng miyembro ng Malolos Fire Station sa pangunguna ni SFO1 Erwin Parungao, natagpuan nila ang bangkay ng apat na biktima.
Iniimbestigahan na ngayon ng Malolos City BFP ang sanhi ng sunog at ang lawak ng pinsalang idinulot nito.