mpk

Sanya, Roco sa ika-500 episode ng ‘Magpakailanman’

Eugene Asis Aug 26, 2022
228 Views

Sanya, RocoNGAYONG Sabado ng gabi, Agosto 27, ang long-running drama anthology sa GMA7 na ‘Magpakailanman’ ay magdiriwang ng ika-500 episode sa pamamagitan ng isang natatanging pagtatanghal na may pamagat na ‘My Kidney Belongs To You’ na pinagbibidahan ng The First Lady of Primetime na si Sanya Lopez bilang Irish at Kapuso actor Rocco Nacino bilang Philip. Makakasama rin nila ang Cannes filmfest nominee na si Dolly de Leon bilang Irma, Allen Dizon bilang Pedro, at Angela Alarcon bilang Jenny.

Masusubukan ang pagmamahalan nina Irish at Philip matapos ma-diagnose ang una ng kidney chronic disease, isang kundisyon kung saan ang bato ng tao ay nawawalan na ng kakayahan na linisin ang dugo. Sa kabila ng pagtutol ng ama, ibinigay ni Philip ang isa niyang bato kay Irish, kahit nangangahulugan ito ng pagkawala niya ng trabaho.

Ang ‘My Kidney Belongs To You’ ay mula sa direksyon ni Mark Reyes, sa panulat ni John Roque, at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos.

Si Mel Tiangco ang nagsisilbing host ng ‘Magpakailanman.’