SC

SC ipinag-utos skeletal work force sa mga hukuman

175 Views

IPINAG-UTOS ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng skeletal workforce sa mga korte na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2.

Ayon sa Office of the Court Administrator Circular 166-2022, ang lahat ng korte na nasa ilalim sa Alert Level 1 at 2 ay dapat magpapasok ng 50 hanggang 75 porsyento ng workforce nito.

“The skeleton workforce that a branch or judicial office will maintain for the above period will be subject to the discretion or determination of the concerned executive judge, presiding judge, and/or acting/ assisting judge,” sabi sa Circular.

Ito ay bilang bahagi umano ng pag-iingat dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Ang mga hukom ay pinapayagan naman na magsagawa ng fully-remote videoconferencing sa mga pagdinig nito mula Hulyo 4 hanggang 8.

Ang pagsasagawa umano ng limitadong face-to-face hearing ay muling papayagan sa Hulyo 11.