Huli

Sekyu na suspek sa holdap sa Alfarmat-Batangas, huli

10 Views

ISANG security guard na umano’y nang-holdap ng convenience store ang naaresto ng mga otoridad sa Brgy. Darasa, Tanauan City, Batangas noong Biyernes.

Ganap na alas-10:45 ng gabi nasa loob ng Alfamart ang isang crew na nagbibilang ng pinagbentahan sa buong araw at naghahanda ng magsara ng dumating ang suspek na sakay ng pulang Honda click.

Tinutukan ng suspek ang biktima at nagdeklara ng robbery-holdap.

Dahil sa takot, sumunod agad ang biktima at ibinigay ang pera na umaabot sa P35,000.

Umiskerda na ang suspek sakay ng motorsiklo papuntang Malvar, Batangas dala ang baril na ginamit.

Doon na inireport ng mga tauhan ng Alfamart sa mga kapulisan ang naganap.

Natunton ang suspek na umano’y isang security guard at naaresto sa kanyang tinitirahang subdivision sa Tanauan.