DPWH

Sen. Erwin Tulfo nais paimbestigahan footbridge na hindi pa tapos

253 Views

NAIS ni Sen. Erwin Tulfo paimbestigahan sa Senado ang isang footbridge sa Maynila na hindi pa umano natapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa dokumento na nakuha ni Sen. Tulfo mula sa DPWH, ang “Pasig River Esplanade (foot) bridge” na may haba na 350 feet o 107 linear meters ay pinondohan noong 2019 ng P284,323,019.22.

“Lumalabas na mas mahal pa sya sa mga four lane vehicular bridges na naitayo sa Maynila,” ani Sen. Tulfo.

“Mas mahal pa itong footbridge kumpara sa nasabing dalawang four lane vehicular bridge dyan sa Binondo,” dagdag ng senador.

Anang neophyte na senador, dapat ipaliwanag ng DPWH kung bakit mas mahal pa ang foot bridge na ito kaysa sa dalawang tulay sa Binondo na daanan ng mga sasakyan.

“Pero ang pinakamasklap, six years na hindi pa tapos ang tulay dahil wala pa sa kalahati ang naitatayo,” dagdag pa ng senador.