Sahod

Sen. Joel kay PBBM: Dagdag sahod bill isa-prayoridad

11 Views

HINIMOK ni Sen. Joel Villanueva si Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ikonsiderang priority bill ang panukalang batas na dagdag-sahod sa mga manggagawa.

Binigyang-diin ni Villanueva na bagama’t lumago ang ekonomiya ng 5.6% noong 2024, kailangang maramdaman ng mga manggagawa ang benepisyo ng pag-unlad na ito.

“The window for the 19th Congress is slowly closing, which is why we need to speed up discussions and ensure the bill’s enactment before we adjourn.

“Sa taas ng presyo ng bilihin, kailangan rin po nating siguraduhin na may kakayahang mamuhay nang maayos ang ating mga kababayan,” sabi ng senador.

Ang Senate Bill No. 2534 o ang P100 Minimum Wage Hike Increase bill inaprubahan na sa ikatlong pagbasa ng Senado noong Pebrero 19, 2024.

Malugod din niyang tinanggap ang patuloy na pagtalakay sa kahalintulad na panukala sa Kamara na binibigyang-diin ang pangangailangang iayon ang sahod sa gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

“At the end of the day, what is important is that we can match our workers’ wages to the living wage,” aniya.

Naghain din si Villanueva ng Senate Bill No. 2140 na naglalayong magtakda ng pamantayan para sa isang living wage upang matiyak na sapat ang kita ng mga manggagawa para suportahan ang kanilang pamilya at mapabuti ang kalidad ng kanilang buhay.