Villar

Sen. Mark nababahala sa pagdami ng piratang sites

111 Views

LUBHANG nakababahala ang patuloy na pagdami ng mga pirated sites sa ating bansa, ayon kay Sen. Mark Villar.

Nananawagan siya na dapat maipahinto ang ganitong pananamantala at hindi aniya dapat pabayaan lamang.

Sa ginanap na pagdinig sa Senado, masusing tinalakay ang mungkahi na amyendahan ang kasalukuyang Intellectual Property Code, na nakatuon lamang sa anti-piracy preventive measures, upang makasabay sa mabilis na takbo ng teknolohiya.

“Kailangan nating tutukan ang pagdami ng mga pirated sites at copyrighted intellectual properties dahil malaki ang nagiging negatibong epekto nito sa ating creative industries,” ani Sen. Mark.

Bilang chairperson of the Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship, pinamunuan ng senador ang pagdinig sa pag amyenda ng Intellectual Property Code na magbibigay ng mas matalas ng ngipin sa batas sa ilalim ng tanggapan ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) na tutugis sa mga lumalabag sa naturang batas.

Binigyan-din niya na dapat gawing digitalizing ecosystem ang mga ilalabas ng regulasyon sa iba’t-ibat pamamaraan sa tamang ahensiya ng gobyerno na siyang naatasan na bigyan proteksyon o pangangalaga ang ating copyright and creative industries.

Base sa ulat ng IPOPHL, patuloy ang counterfeiting at mga piracy activities na bumubulusok pataas mula pa noong 2020.

Base sa datus, 40% ang iniakyat nito sa diumano’y piracy ng mga palabas sa pelikula at iba’t-ibang shows.

Umakyat din ang piracy maging sa mga e-books ng 25% at 16% para sa software products.

Base rin sa nasabing pag aaral, higit sa 60% ng mga Filipino consumers ang diumanoy masugid na sumusuporta sa mga pirated na ito at Pinoy ang may pinaka mataas sa buong Southeast Asia sa pagtataguyod ng piracy sa online.

“The Philippine digital economy is valued at $17 billion in 2021 and is projected to expand to $40 billion by 2025.

This manifests the changing economic landscape leaning towards digital products and services. We need to ensure that our laws remain at par with the dynamic changes of the digital ecosystem,” ani Sen. Mark.