Calendar
Sen. Robin Hood Medical MJ lilikha ng bagong industriya, maraming trabaho
MAKALILIKOM umano ng sapat ng hanapbuhay at makatutulong sa pagkakaroon ng isang industriyang pang hanapbuhay ang medical marijuana sakaling ikonsidera ito ng Kongreso.
Ito ang mariin na paliwanag ni Sen. Robinhood Padilla kahapon sa isang panayam sa Senado kung saan ay iginiit niya na dapat bigyan ng konsiderasyon ang maraming maysakit na matutulungan ng Medical marijuana o cannabis sakaling maisabatas ang pag sasa Legal nito.
Sinabi pa ni Padilla na ang kanyang panukala sa Senado na SB 230 ay naglalayon na bigyan ng kaunting kaginhawaan ang mga may karamdaman na lubhang nakakaramdam ng hirap sa dinadanas na sakit.
Karagdagan benepisyo umano ang dagdag hanapbuhay at dagdag pangkabuhayan sa industriya ang lilikhain ng pag sasa Legal ng Medical marijuana.
Pinaliwanag din niya na ang malilikom na kita nito ay makatutulong sa karagdagan kita ng gobyerno upang makalikha ng mga programa para sa ating mga kababayan na salat sa pera.
Sinang ayunan naman si Padilla ni Sen. JV Ejercito na nagsabing posibleng makinig ang nakakaraming senador sa panukalang ito lalo pa at ang intensyon umano ng pagsasabatas nito ay upang makatulong sa nakakarami nating kababayan na dumadanas ng iba’t ibang sakit.