Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Robin

Sen. Robin isinulong reporma sa badyet para tiyakin pondong pag-unlad para sa pinakamahirap na LGUs

212 Views

PARA matiyak ang patas na pondo para sa proyektong pag-unlad ng mga lokal na pamahalaan, isinulong ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang reporma sa badyet sa pamamagitan ng pagtatag ng Local Development Equalization Fund (LDEF).

Sa kanyang Senate Bill 447, iginiit ni Padilla na ang pondo ay gagamitin lamang para sa development projects, activities and programs (PAPs) sa Comprehensive Local Development Plans (CDPs).

“The cornerstone of this proposed measure is the creation of a Local Development Equitability Fund to support the mandated expenditure assignments imposed upon LGUs. Accordingly, this measure aims to provide an equitable distribution of wealth to LGUs to foster development with the end goal of bridging the gap between the revenue expenditure mandates of the LGC and the General Appropriations Act,” ayon sa mambabatas sa kanyang panukalang batas.

Bukod sa pagsunod ng panukalang batas sa prinsipyo ng debolusyon, ito ay sumasang-ayon sa budget reform agenda ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson.

Ikinalulungkot ni Padilla na bagama’t hangad ng pamahalaan ang devolution para mas mabilis ang paghatid ng serbisyo publiko, sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito matutupad nang tuluyan dahil ang “political and economic power” ay nakasentro pa rin sa “Imperial Manila.”

Ayon sa panukalang batas, titiyakin ng pambansang pamahalaan ang LDEF para magkaroon ng sapat na pondo ang probinsya, siyudad, bayan at barangay na ipatupad ang kanilang three-year Comprehensive Development Plan. Kasama rito ang:

* P500 milyon hanggang P1 bilyon kada probinsya kada taon

* P100-200 milyon kada siyudad kada taon

* P50-100 milyon kada bayan kada taon

* P3-5 milyon kada barangay kada taon

Ibabase ang LDEF sa susunod na pamantayan:

* 50% ng prescribed amount para sa 1st class LGU

* 60% ng prescribed amount para sa 2nd class LGU

* 70% ng prescribed amount para sa 3rd class LGU

* 80% ng prescribed amount para sa 4th class LGU

* 90% ng prescribed amount para sa 5th class LGU

* 100% ng prescribed amount para sa 6th class LGU

Hindi dapat gamitin ang pondo sa cash gift, bonus, food allowance, medical assistance, uniforms, supplies, meetings, communication, water and light at gasolina; sa sweldo at overtime pay; sa traveling expenses; sa registration o participation fees sa mga training at seminar; sa paggawa at pagkukumpuni ng administrative office; sa pagbili ng furniture, equipment at appliances; at pagbili o pag-maintenance ng sasakyan.

Bawal din gamitin ang LDEF sa pagpondo ng PAPs na maaaring mag-duplicate o mag-overlap sa mga ipinatutupad ng pambansang pamahalaan.

Samantala, magkakaroon ng performance-based evaluation sa paggamit ng pondo. Ang gagawa nito ay ang Oversight Evaluation Committee (OEC) na pamumunuan ng Undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) at lalahukan ng ibang opisyal kasama ang apat na kinatawan ng accredited civil society groups at non-government organizations ng mga lugar kung saan ipapatupad ang mga popondohang proyekto.

Mababawasan ang LDEF ng LGU kung “unsatisfactory” ang performance nito, at tuluyan itong tatanggalin kung nakadalawang sunud-sunod na “unsatisfactory” ratings ito. Maaaring mag-reapply ang LGU sa pagpondo matapos ng isang taon.

Upang tiyakin na kaya ng LGU na ipatupad ang mga proyektong popondohan ng LDEF, maglalabas ng P1 bilyon ang pamahalaan para sa capacity building nila.

Magkakaroon din ng web-based monitoring system ang OEC para ma-monitor ang pagpapatupad ng mga programang pinopondohan ng LDEF. Magkakaroon ito ng P100-milyong pondo.

Parusang pagkulong na isa hanggang anim na taon at multang P500,000 ang iapapataw sa opisyal na pipigil sa pag-release ng LDEF sa LGUs. Maaaring kasuhan ng technical malversation ang maling paggamit ng pondo.

Magkakaroon din ng Congressional Oversight Committee para i-monitor ang pagpapatupad ng panukalang batas.