Rice

Sen. Win: Mahihirap matutustusan ibang pangangailang dahil sa P20/kilo ng bigas

14 Views

BUONG suporta ang ipinahayag ni Senador Sherwin Gatchalian sa muling pagpapatupad ng P20/kilo na bigas ng pamahalaan, na layuning palakasin ang seguridad sa pagkain at tulungan ang mga pamilyang kapos sa kita.

“Affordable food is key to food security and a better quality of life for low-income families. Ngayong mas mababa na ang presyo ng bigas para sa mahihirap nating kababayan, inaasahang makakagaan ito para matustusan nila ang ibang pangangailangan sa buhay,” ani Gatchalian sa isang pahayag nitong Mayo 14.

Ayon sa ulat, unang ipinatupad ang programa sa Cebu at ngayo’y pinalalawak na sa mga lugar sa paligid ng Metro Manila. Sa ilalim ng programang ito, makakabili ng bigas sa halagang P20 kada kilo ang mga piling sektor gaya ng mga solo parent, nakatatanda, at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Isinasagawa ito sa pamamagitan ng mga Kadiwa center, sa tulong ng pondong nagmumula sa Department of Agriculture, Food Terminal Inc. (FTI), at mga lokal na pamahalaan.

Sa ulat, iniulat na naglaan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P4.5 bilyon para pondohan ang programa. Bawat kwalipikadong pamilya ay maaaring bumili ng hanggang 30 kilong bigas kada buwan.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng mahihirap ay mahalaga sa kabuuang pag-unlad ng bansa.