Calendar
Senado kinalampag para sa agarang pagpasa ng amyenda sa RTC
KINALAMPAG ng mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga senador upang agad nilang aprubahan ang panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL) na naglalayong tulungan ang mga lokal na magsasaka at mapababa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.
“I appeal to our friends in the Senate to please, please, please expedite the passage of this measure, of this very urgent and important measure,” ani Assistant Majority Leader at Nueva Ecija 1st District Rep. Mikaela Angela “Mika” Suansing sa regular na punong balitaan sa Kamara
Dagdag pa ni Suansing, “Because at the end of the day po our primary objective is two-fold: one is mabigyan po natin ng access iyong mga pinakamahihirap na mga pamilyang Pilipino sa mas murang bigas; at pangalawa po ay matulungan natin iyong ating mga magsasaka na mapababa iyong cost of production nila.”
Si Suansing ang isa sa pangunahing may akda ng House Bill (HB) No. 10381, na naglalayong palakasin ang pagiging competitive at katatagan ng industriya ng bigas ng bansa at gawing abot-kaya ang presyo nito para sa lahat ng Pilipino.
Inaprubahan ng Kamara ngayong Martes ang panukala at inaasahang aaprubahan sa ikatlo at huling pag-basa bagong ang sine die adjournment ng 19th Congress sa susunod na linggo.
Tinututulan naman Sen. Cynthia Villar sa pagbabalik ng kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na muling makapag-angkat at makapagbenta ng bigas.
Dahil aniya ito sa isyu ng korapsyon at pagsiguro ng NFA na poprotektahan ang kapakanan ng mga magsasaka at mamimili.
Sa kaparehong pulong balitaan, sinabi ni Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman na marami sa mga magsasaka ng bigas ang tutol sa kasalukuyang bersyon ng RTL kaya kaisa siya sa panawagan sa mga senador, lalo na kay Villar na siyang tagapamuno ng Senate Committee on Agriculture and Food, na irekonsidera ang posisyon nito.
“Maybe our friends in the Senate would listen and I’m confident that the Chairperson at the Committee on Agriculture will find it also in her heart, nasa Senado si Chair Cynthia Villar, I know she’s a good person. She has compassion in her heart and this would be a very, very good legacy for our farmers,” Roman sabi ni Roman.
Paglilinaw ni Roman, may puwang pa para ayusin kasalukuyang RTL kaya mahalaga rin ang dayalogo kasama ang mga magsasaka para matukoy ang kanilang mga pangangailangan upang mas mapaghusay ang batas.
“Kapag pinakinggan ninyo mga mahal naming mga senador ang ating mga magsasaka, maniwala kayo nagkakaisa sila sa kanilang tinig na dapat baguhin itong RTL at ginagawa na po namin ito sa House,” ani Roman.
Dagdag pa niya, “Let’s walk the talk. Nakakasawa na kasi, di ba? Lagi na lang sinasabi the proverbial, ah itong ating magsasaka sila ang naglalagay ng pagkain sa hapag-kainan ng ating mga pamilyang Pilipino, mahalaga sila, but show the love.”
Una nang sinabi ni Quezon 1st District Rep. Mark Enverga, chair ng House Committee on Agriculture and Food, na limitado lang sa price stabilization at supply regulation ang kapangyarihan ng NFA.
Maaari lang din silang mamagitan sa merkado kung may emergency situation gaya ng masyadong mataas na presyo ng bigas o kakulangan sa suplay.
Last resort na lang din ang aniya ang gagawing ng NFA na mag-angkat ng bigas upang dumami ang suplay at humupa ang presyo nito.
Pinaka mahalagang probisyon ng panukala ang pagpapatuloy sa Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF), para tugunan ang hamon sa industriya ng bigas, ayon sa kanya.
Mula sa P10 billion, ang halaga ng RCEF na ginagamit sa pagtulong sa mga magsasaka ay itataas ito sa P15 billion.
Pahihintulutan din nito ang NFA na irehistro ang lahat ng grain warehouse at magsagawa ng inspeksyon para masigurong nasusunod ang rice quality supply standards.
Mananatili rin ang mandato nito na magkaroon ng sapat na buffer stock na bibilhin mula sa mga organisasyon at kooperatiba ng mga magsasaka.
Sinabi na noon ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na plano niyang sertipikahan bilang urgent ang RTL amendment.
Sabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na target nilang maisakatuparan ang amyenda sa RTL sa Hulyo para maibaba ng presyo ng bigas ng hindi hihigit sa P30 kada kilo na mas abot kaya para sa pamilyang Pilipino.
Kasalukuyang naglalaro sa P40 hanggang P45 o minsan ay higit pa sa P50 an presyo ng bigas sa pamilihan.
“By amending the RTL, we aim to bring about tangible reductions in rice prices, ensuring that Filipino consumers are not unduly burdened by high food costs,” ani Speaker Romualdez.
“Lowering rice prices to less than P30 is a crucial step towards ensuring food security and economic stability for all,” dagdag niya.