Zubiri

Senado lockdown sa Lunes

240 Views

MAGPAPATUPAD ng lockdown sa Senado sa Lunes, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

Sinabi ni Zubiri na magsasagawa ng disinfection sa buong gusali matapos na magpositibo sa COVID-19 ang pitong senador.

“I have instructed the Secretariat to conduct a thorough cleaning and disinfection of all Senate offices. For this reason, there will be a total lockdown of our Senate building and all Senate employees shall work from home and need not report to the Senate on Monday,” sabi ni Zubiri.

Magbabalik naman ang sesyon ng Senado sa Martes, Agosto 23.

Nagpositibo sa COVID-19 sina Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva, Senators JV Ejercito, Nancy Binay, Grace Poe, Cynthia Villar, Imee Marcos at Alan Peter Cayetano.

Mayroon din umanong mga senador na na-expose sa kanilang mga staff member at secretariat employee na nahawa ng COVID-19.