Bus Source: LTO

Senado nais wakasan aksidente kinasasangkutan ng public bus

21 Views

UPANG tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero, pinangunahan ni Senador Raffy Tulfo ang pagtalakay sa mga insidente ng aksidente na kinasasangkutan ng mga pampasaherong bus sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services nitong Lunes kung saan iginiit niya ang importansiya ng tamang mga polisiya.

Ang naturang pagdinig ay nakatuon sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga commuter at sinaklaw din ang mga panukalang Philippine Transportation Security Act at Magna Carta of Commuters na naglalayong ayusin ang transportasyon sa lupa, dagat, at himpapawid.

Binalikan ni Tulfo ang isang trahedya noong 2014 kung saan nawalan ng preno ang isang Florida Bus at nahulog sa bangin sa Bontoc, Mountain Province, na nagresulta sa pagkamatay ng 14 katao.

“Why does this always happen? Buses, passenger buses losing their brakes? Now, let’s find out the root of this problem. What is the root of the problem? There must be a problem here. Why is it always the passenger buses? Why is it rare for private vehicles to lose their brakes? Where did we fall short? Let’s talk about this and find a solution. This must stop!” ani Tulfo sa Filipino, na binigyang-diin ang pangangailangan ng agarang aksyon.

Ang Magna Carta of Commuters ay naglalayong protektahan ang mga karapatan ng mga commuter sa pamamagitan ng pagtiyak ng maaasahan, abot-kaya, at ligtas na pampublikong transportasyon.

Kasama sa panukalang batas ang pagkakaroon ng accessible na imprastraktura para sa mga may kapansanan at limitadong mobilidad, patas na alokasyon ng espasyo sa kalsada, at mga hakbang upang mapabuti ang kalidad ng hangin sa biyahe.

Nagpahayag naman ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) para sa Magna Carta of Commuters. Ayon sa CHR, mahalaga ang panukalang batas sa pagsusulong ng Universal Declaration of Human Rights.

Sinabi rin ng ahensya na makatutulong ito nang malaki sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mas ligtas at inklusibong sistema ng pampublikong transportasyon.

Binigyang-diin ng mga mambabatas at iba pang stakeholders ang pangangailangang magpatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang mga susunod pang aksidente at mapabuti ang kaligtasan ng mga commuter, partikular na sa pagtugon sa matagal nang problema sa mga pampasaherong bus.