Batangas City mayor binisita ng 40 day care pupils
Feb 25, 2025
Jennylyn ’di na kayang mag-topless
Feb 25, 2025
Binoe napipisil para sa remake ng ’80s movie
Feb 24, 2025
Otoko papansin sa social media
Feb 24, 2025
Martial Law sa ilalim ni PBBM ‘fake news’
Feb 24, 2025
Calendar

Business
Senado suporta sa medium-term fiscal framework ng Marcos admin
PS Jun M. Sarmiento
Sep 13, 2022
218
Views
PINAGTIBAY ng Senado ang isang resolusyon na sumusuporta sa 2022-2028 medium-term fiscal framework (MTFF) ng Marcos administration.
Ang Senate Concurrent Resolution No. 3 ay akda nina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, at Majority Leader Joel Villanueva at inisponsor sa plenaryo ni Senate finance committee chairperson Sonny Angara.
Tutol naman sa panukala si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel samantalang nag-abstain si Sen. Risa Hontiveros.
Ang MTFF ay ang magsisilbing gabay na gagamitin ng Marcos administration sa direksyon na tatahakin ng bansa sa susunod na anim na taon.
Ang kaparehong resolusyon ay nauna ng pinatibay ng Kamara de Representantes.