Calendar
![Traffic](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Traffic.gif)
Senador: WFH mas epektibo vs traffic kesa congestion fees
IPINAHAYAG ni Senador Joel Villanueva kamakailan lamang ang dapat aniya pag sa legal at pagpapatupad ng Work from Home Law kung saan ay sinabi niyang mas epektibo, patas, at pangmatagalang solusyon ito sa problema sa trapiko sa Metro Manila kumpara sa panukalang pagpapataw ng congestion fees sa mga motorista sa EDSA.
Ang Republic Act No. 11165, na pangunahing inakda at itinaguyod ni Villanueva, ay nagtatakda ng telecommuting bilang isang alternatibong work arrangement para sa mga empleyado sa pribadong sektor.
Layon ng batas na hikayatin ang work-from-home setup upang mabawasan ang dami ng sasakyan sa mga pangunahing lansangan gaya ng EDSA, nang hindi nagpapataw ng karagdagang gastusin sa mga motorista.
“Instead of penalizing motorists with additional fees, why not maximize the potential of the Work from Home Law, which not only eases traffic but also promotes work-life balance and enhances productivity?” ayon kay Villanueva, na namumuno sa Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.
Binigyang-diin din ng senador na bagama’t kailangang ipatupad ang mga reporma sa pamamahala ng trapiko, hindi patas ang pagpapataw ng congestion fees sa mga pangkaraniwang Pilipinong gumagamit ng pribadong sasakyan dahil sa kawalan ng episyente at maaasahang pampublikong transportasyon.
“The solution is not to make driving a privilege for the few who can afford additional costs. The real solutions lie in significant improvements in the public transport system and reducing the need to travel in the first place. RA 11165 was designed precisely to address the latter,” ani Villanueva.
Itinatakda rin ng Work from Home Law na dapat matanggap ng mga empleyadong naka-work-from-home ang parehong mga benepisyo gaya ng kanilang mga katapat sa on-site na trabaho, kabilang ang pantay na sahod, leave entitlements, at oportunidad para sa pag-unlad ng karera. Kasama rin sa batas ang mga probisyon para sa patas na trato sa workload, performance standards, at kaligtasan sa kalusugan.
“Our goal should be to create solutions that are fair, inclusive, and sustainable. Let’s not add to the financial burden of our already struggling commuters and motorists. Let’s make smarter, people-centered policies instead,” dagdag ng senador mula sa Bulacan.