Jinggoy Senate President Pro Tempore Jose Jinggoy Estrada

Sex abuse, harassment matagal nang nangyayari sa showbiz

62 Views

INAMIN ni Senate President Pro Tempore Jose Jinggoy Estrada ang diumanoy nangyayaring mga kaso ng sex abuse at harassment na matagal tagal na rin aniyang ginagawa sa mundo ng showbiz.

Para sa senador ay kailangan na aniyang ibulgar ang nasabing isyo upang sa wakas ay matuldukan na ito ng tuwiran.

Sa ginawang Kapihan sa Senado ngayong Huwebes, sinabi ni Estrada na sadyang nakapanlulumong isipin na ginawa itong pananamantala ng iilan na tao sa mg baguhan aktor, aktres at kahit mga baguhan na singer na sumusubok ng kanilang swerte sa mundo ng showbiz ngunit naabuso ng ibang mga mapagsamantala gamit ang matinding ambisyon ng mga batang ito na maabot ang kanilang pangarap na sumikat at magkaroon ng pangalan sa industriya.

“I just feel frustrated na naaabuso ang maliliit na artista. At hindi ko kukunsintihin ang mga gumawa ng ganitong mga pang aabuso. This has been going on for so long already. When I called Sandro Muhlach, I was thinking that he will really narrate what happened to him and how he was abuse by these people. Because he expressed willingness to tell his ordeal. At pinagalitan ko yung abogado because I am for the victims. Kaisa nila ako sa paglaban sa ganitong uri ng pang aabuso,” ani.

Ipinagtapat din ni Estrada na ang ganitong uri ng mga pang aabuso ay tumatarget sa mga katulad ng Sandro Muhlach at Gerald Santos na determinadong sumabay sa matinding kumpetisyon ng industriya para makakuha ng proyekto at koneksyon at ito aniya ang nakikitang butas ng mga mapagsamantala para gawin ang kanilang masamang intensyon sa mga batas.

“This practice must stop once and for all. Dapat natin palakasin ang batas against sexual abuse and harassment and also rape. Dapat mabulgar ito and we need a strong law to protect these kids.

These victims. We need a stiffer penalties,” giit ni Estrada.

Binulgar din ni Estrada na isang powdery substance and pinasinghot kay Sandro Muhlach bago ito diumanoy sinamantala ng mga akusado.

“Nakatupi ang P500 tapos pinilit siyang suminghot ng powdery substance na malamang ay cocaine. Tumanggi yung bata. Tinagayan ng tinagayan ng alak. Hanggang dumating na siya na pinasinghot yung powdery substance at saka nangyari na nga ang lahat,” ani Estrada.

Napag-alaman base sa ulat na nagsampa na nga ng pormal na kaso si Sandro kasama ang aktor na ama nitong si Nino Muhlach laban kina Nones at Richard Dode Cruz ng kasong rape through sexual assault sa tamang korte ngayon araw.