Rubio

Shabu itinago sa universal engine naharang ng BOC

242 Views

NASABAT ng Bureau of Customs’ (BOC) ang isang package na idineklarang “universal engine” ang laman pero mayroong nakasiksik na shabu.

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang claimant ng package sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Dumaan umano ang package sa x-ray screening sa CMEC warehouse at doon nakita ang nakatagong laman nito.

Nagsagawa ang mga Custom examiner ng physical examination at binantayan ng mga kinatawan ng consignee, XIP, Customs Anti-illegal Drug Task Force, Customs Intelligence and Investigation Service, Enforcement and Security Service, at PDEA ang pagbubukas nito.

Nakuha sa loob ang mga plastic kung saan nakatago ang shabu. Ibinalot umano ang paglagyan ng asul na carbon paper, at aluminum.

Ang nakuhang shabu ay tumitimbang ng 514 gramo at nagkakahalaga ng Php3,495,200.

Ang package ay nanggaling umano sa New Delhi, India.

Pinuri ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang BOC-NAIA sa masigasig nitong pagbabantay.

“I commend the men and women of the BOC-NAIA for securing our borders through their relentless and intensified campaign against drug smuggling,” sabi ni Commissioner Rubio.

Nangako ang BOC-NAIA na lalo pang paiigtingin ang kanilang pagbabantay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.