Kulong

Tiyuhin kulong sa pangmomolestya ng 14-anyos na pamangkin

162 Views

KALABOSO ang 21-anyos na lalaki na nangmolestya umano ng kanyang 14-anyos na pamangkin sa Quezon City.

Si John Carlo Delegencia, residente ng Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City ay inaresto matapos na magsumbong ang biktima sa kanyang guro.

Natutulog umano ang biktima ala-1 ng umaga ng Marso 23 ng hawakan ng suspek ang maseselang bahagi ng katawan nito. Hindi pa nakontento paulit-ulit umanong ipinasok ng suspek ang kanyang daliri sa ari ng biktima.

Ikinuwento ng biktima ang nangyari sa kanyang guro na siyang humingi ng tulong sa barangay na siyang naglapit ng kaso sa pulisya.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 o ang Statutory Rape (Anti-Rape Law of 1997) na inamyendahan ng RA 11648 o An Act Providing for Stronger Protection Against Rape and Sexual Exploitation and Abuse, Increasing the Age for Determining the Commission of Statutory Rape.