Shabu Makikita sa mga larawan mula sa PDEA ang ilan sa P272 million halaga ng shabu na nakumpiska mula sa high value target.

Shabu suspek nabitag sa P272M na shabu

Alfred Dalizon Mar 20, 2025
16 Views

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Binangonan, Rizal ang tinatayang P272 milyon na halaga ng shabu noong Miyerkules, ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez.

Humigit-kumulang sa 40 kilo ng shabu ang nakuha sa suspek na si alyas Ronald sa Rizal Cement Village sa Brgy. Pantok, Binangonan.

Narekober sa operasyon ang 40 piraso ng aluminum foil packs na kulay black gold.

Nasa kustodiya na ng PDEA national headquarters sa Quezon City ang suspek na ngayo’y nahaharap sa mga kasong pagbebenta at pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Pinuri ni Nerez ang mga operatiba ng PDEA at PNP-DEG sa kanilang operation.

“Operation of this magnitude dealt a major blow to the supply chain of illegal drugs in the streets. There are more to come,” sinabi ng opisyal.

Bago nito, nakumpiska din ng PDEA ang P340 milyon na halaga ng shabu sa isang anti-narcotics operation sa Muntinlupa City noong Biyernes ng nakaraang linggo.