BBM-Sara

Si BBM lang ang para kay Mayor Sara

653 Views

MULING ibinasura ni vice presidential candidate Sara Duterte ang panawagan na iwanan nito ang running mate na si dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon kay Davao City Mayor Duterte nagpapasalamat ito sa mga sumusuporta sa kanya subalit hindi umano niya mapagbibigyan ang nais ng mga ito na palitan ang kanyang running mate.

Sa halip, sinabi ni Duterte na dapat suportahan ng mga sumusuporta sa kanya si Marcos.

“At patuloy po akong nakikiusap at nananawagan sa kanila na suportahan po ang UniTeam ni Bongbong Marcos at Sara Duterte, maraming salamat,” sabi ni Duterte sa isang panayam matapos ang grand campaign rally sa Santa Rosa Sports Complex.

Paulit-ulit na iginigiit ni Duterte na mayroong kakayanan si Marcos upang pamunuan ang bansa.

Nananawagan din ito ng pagkakaisa para sa mabilis na pag-ahon ng bansa mula sa epekto ng pandemya.