DOTr

Simulan na barrier-less system sa mga expressways bago matapos 2026–PBBM sa DOTr, TRB

Jun I Legaspi Nov 21, 2026
115 Views

PINASISIMULAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) ang barrier-less system sa lahat ng expressways bago matapos ang taon.

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, malaki ang matitipid ng mga motorista sa oras at gasolina sa barrier-less system sa expressways dahil mas bibilis ang takbo ng mga sasakyan papasok at palabas ng toll gates.

Inutusan na ni Dizon ang lahat ng toll operators na gawin ang lahat ng preparasyon sa toll systems para maging hassle-free ang pilot launch ng barrier-less tollways sa Disyembre.

Ayon sa mga motorista pinaabot nila ang kanilang pasasalamat kay Pangulong Marcos at Sec. Dizon lalo na’t inaasahan ang bulto ng mga motorista sa nalalapit na holiday season.