Pic

‘Sining sa Kongreso IV’ isang fundraising inisyatibo ng AWLFI

109 Views

Pic1Pic2Pic3Pic4Pic5Pic6Pic7Pic8Pic9Pic10-IPINAGDIWANG ng Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI) ang National Arts Month nitong Pebrero sa pamamagitan ng ribbon-cutting ceremony para sa art exhibition na “Sining sa Kongreso IV.” Pinangunahan ang okasyon ng Pangulo ng AWLFI na si Rep, Linabelle Ruth Villarica, kasama sina Representative Gloria Macapagal-Arroyo, Rep. Rachel Arenas, at Gng. Ann Dy, asawa ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III. Nagsisilbi rin bilang Co-President ng AWLFI si Rep. Gina de Venecia.

Ang “Sining sa Kongreso IV” ay isang fundraising initiative ng mga babaeng mambabatas sa pakikipagtulungan sa Mira Art Gallery.

Layunin ng proyektong ito na makalikom ng suporta para sa mga programang pangkawanggawa ng AWLFI na tumutulong sa kababaihan at mga bata.

Kabilang sa mga pinakabagong inisyatiba nito ang patuloy na pagpapabuti ng Women and Children Protection Unit sa National Center for Mental Health, gayundin ang pagtatayo ng isang Women in Crisis Center sa Alabang, Muntinlupa.

Sa pamamagitan ng eksibisyong ito, patuloy na isinusulong ng AWLFI ang sining habang pinalalakas ang adbokasiya nito para sa proteksyon, pagbibigay-kapangyarihan, at kapakanan ng kababaihan at mga bata sa buong bansa. Tatakbo ang “Sining sa Kongreso IV” mula Pebrero 9 hanggang 19, 2026 sa House of Representatives.