Calendar

Skyway magiging alternative route sang-ayon si Valeriano
BILANG chairman ng House Committee on Metro Manila Development, suportado ni Manila 2nd District Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano ang ideya at mungkahi ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon na maging “alternative route” ang Skyway habang isinasailalim sa rehabilitasyon ang EDSA.
Sabi ni Valeriano na sang-ayon siya na magkaroon ng “temporary free tollway rate” para sa lahat ng motorista. Subalit ang pagbibigay ng 50% discount ay sapat na upang ma-engganyo ang maraming motorista na dumaan sa Skyway bilang alternative route.
“I am for the temporary free tollway rate for motorists’ light vehicles. But a 50% discount would be enough to entice cargo trucks and buses to take the Skyway route,” wika nito.
Pagbibigay diin ng kongresista na matagal na nitong itinutulak ang pagkakaroon ng mababang Skyway toll rates sapagkat kakaunti lamang ang gumagamit nito dahil maraming motorista ang masyadong nabibigatan sa kanilang mataas na singil.
“I have long pushed for lower Skyway toll rates because the Skyway has been utilized as a result of its prohibitive rates. The Toll Regulatory Board should make affordable toll rates extend after the EDSA rebuild is done,” pahayag pa ng mambabatas.
Ipinaliwanag pa ni Valeriano na mahirap para sa mga motorista na gamitin ang Skyway bilang alternative route sa EDSA gayong napakamahal ang sinisingil nilang toll fee.
Para kay Valeriano, hindi naman kailangan maging araw-araw ang paniningil ng mababang toll fee sa mga motorista na gumagamit ng Skyway subalit kinakailangan lamang na magkaroon ng ito ng schedule katulad ng tuwing Lunes at Biyernes.
“With the higher traffic volume expected along Skyway. There should be added and strict countermeasures against road mishaps and erring drivers. With the current toll rates, the intended purpose of the Skyway as an EDSA alternative is not served,” dagdag pa ni Valeriano.