Calendar
Smart TV, laptops ipinamigay sa Manila public schools
PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang pagkakaloob ng 397 laptops at 133 Smart TV sa 72 public schools noong Lunes sa San Andres Sports Complex.
Ipinaliwanag ng alkalde na prayoridad niya ang pangangailangan ng mga guro at estudyante sa mga silid-aralan.
Sinabi ni Mayor Domagoso na noong Hulyo 9, inaprubahan ng Manila City School Board ang realignment ng P143 milyon mula sa 2025 Special Education Fun upang matustusan ang digital equipment sa halip na gastusin sa hindi naman kinakailangang pagkukumpuni.
“That day, all the palamuti-palamuti na hindi naman mabubusugan ang mata ng sinumang makakakita, isinantabi ko, winalis.
Kinuha lahat ng unnecessary expenses to equip our teachers in our classroom today,” wika ng alkalde.
Sinabi rin ni Mayor Isko sa mga mga guro na nakatuon ang pamumuhunan sa pagpapalakas ng reputasyon ng Maynila bilang maagang nagpatibay ng digital learning simula pa sa Kindergarten learners upang maaga silang matutong bumasa at sumulat, umunawa, at maging pamilyar sa digital na teknolohiya.

