Vargas

Solon: Long-term power, energy stability matatamo ng PH sa ilalim ng BBM admin

Mar Rodriguez Jun 20, 2022
225 Views

MALAKI ang paniniwala ng isang Metro Manila congressman na matatamo na rin ng Pilipinas ang matagal na nitong inaasam na “long-term power at energy stability” sa ilalim ng papasok na administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Naniniwala si Quezon City 5th Dist. Rep. Alfred Vargas, Vice-Chairman ng House Committee on Energy, na ang pagkakaroon ng “stability” sa kuryente at enerhiya ang magpapabangon aniya sa ekonomiya ng bansa o ang tinatawag na “economic recovery”.

“I am confident that given the declared priorities of the new administration. We can bring back stability and sustainability to the power sector,” sabi ng kongresista.

Ipinaliwanag din ni Vargas na kailangang hikayatin ng pamahalaan ang maraming “investors” para sa sektor ng kuryente at enerhiya. Sa harap ng mga babala ng mga eksperto na posibleng magkaroon ng “energy crisis” sa Pilipinas sa darating na panahon.

Binigyang diin ng mambabatas na ang nangyaring “power outages” sa Luzon noong nakaraang Sabado ang dapat na magsilbing babala para sa susunod na administrasyon na kailangang masolusyunan ang nagbabantang “energy crisis” na magduduot ng matinding problema para sa bansa.

“The power outages in Luzon last Saturday. Which affected an estimated 1 million residents should be seen as a wakeup call. This incident which has been attributed to insufficient power supply is a stark reminder that we cannot have power and energy sector remain in its present state and expect to meet the demands of an economic recovery from the pandemic,” dagdag pa ni Vargas.