Martin

Speaker Martin G. Romualdez inihayag na tutulong ang kongreso sa mga tinamaan at naapektuhan ng magnitude 7 na lindol

Mar Rodriguez Jul 28, 2022
181 Views

INIHAYAG ni House Speaker Ferdinand “Martin” G. Romualdez na susuportahan ng Kamara de Representantes ang mga mamamayan na tinamaan ng Magnitude 7 na lindol sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para sa rehalibitasyon at “restoration” ng mga pampublikong inprastraktura na sinira ng nasabing malakas na lindol.

Sinabi ni Romualdez na ang tulong na ipagkakaloob ng Mababang Kapulungan ay sa pamamagitan ng paglalaan ng alokasyon mula sa “National Budget” na gagamitin naman para sa rehabilitasyon at “restoration” ng mga lugar na malubhang naapektuhan ng lindol.

Ang naging pahayag ni Romualdez ay kasabay ng pagbisita ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., Sen. Imee Marcos at ilang matataas na opisyal ng pamahalaan sa mga naging biktima ng lindol at mga komunidad na naapektuhan at ginimbal ng “tremor” sa lalawigan ng Abra.

Ayon kay Speaker Romualdez, idea aniya ni Sen. Marcos na maglaan ng “restoration funds” at pagtatatag ng isang ahensiya sa ilalim ng Office of the President para sa agarang mobilisasyon ng pondo para sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.

“Mr. President on the part of the House, we shall support the good senator’s proposal here owing to the fact we’ve always been looking for best practices and FEMA or even the AFAD in Turkey are great models for best practices for these protocols,” sabi ni Romualdez.

Tinutukoy ng House Speaker sa kaniyang naging pahayag ang Federal Emergency Management Authority ng Estados Unido at ang counterpart naman nito sa bansang Turkey.