Martin

Speaker Romualdez dumalo sa Solemn Mass para kay Pope Francis sa Tacloban Leyte

Mar Rodriguez Apr 27, 2025
18 Views

Martin1Martin2Martin3TACLOBAN CITY, LEYTE –– Dinaluhan ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez kasama ang iba pang government at local officials ang idinaos na “solemn Mass” para kay yumaong Pope Francis na ginanap sa bagong Daniel Z. Romualdez (DZR) Airport Tarmac kasabay nito ang pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng naging pagbisita ng namayapang Santo Papa sa lalawigang ito noong 2015.

Sabi ng House Speaker na ang naging pagbisita ng yumaong Santa Papa sa kanilang lalawigan ay hindi lamang nagbigay ng pag-asa para sa napakaraming mamamayan ng Eastern Visayas kundi nagpalakas din ng moral para naman sa libo-libong biktima ng Super Typhoon Yolanda.

Ginanap ang Banal na Misa sa mismong lugar kung saan tumayo si Pope Francis sa kasagsagan ng ulan para magbigay ito ng comfort sa naghihinagpis na mamamayan ng Tacloban Leyte.

Ipinahayag pa ni Speaker Romualdez na nagbigay din ng lakas ng loob, inspirasyon at pag-asa ang Santo Papa noong mga panahon na nararamdaman ng mga Taclobanon na sila ay pinabayaan at nakaligtaan lalo na noong panahon ng Super Typhoon Yolanda.

“Pope Francis gave us more than hope. He showed the world how to lead with compassion. He stood with us, not just as a Pope. But as a father to the suffering. His presence gave us sthrength to rise,” wika ni Speaker Romualdez.

Sinabi naman ng mga dumalo sa Banal na Misa na ang nasabing okasyon ay hindi lamang isang pagdiriwang (Mass) bilang pagdalamhati sa pagpanaw ni Pope Francis. Bagkos, ito ay pagbibigay pugay o tribute sa isang napakahusay na “spiritual leader” na nagpamalas sa buong mundo ng kababaang loob at habag.

Nag-umpisa ang seremonya ng 2:30 ng hapon sa DZR Airport Tarmac. Kung saan napakaraming residente ng Tacloban ang dumalo kabilang na ang mga lider ng Simbahang Katoliko at napakaraming biktima ng Typhoon Yolanda.