Martin1

Speaker Romualdez ipinagmalaki positibong epekto ng mga batas na pinagtibay ng Kongreso, ni PBBM

Mar Rodriguez Jul 23, 2024
103 Views

IPINAGMALAKI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Lunes ang positibong epekto ng mga legislative accomplishment ng Kongreso na pinagtibay ngayong 19th Congress at ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

“Lahat ng kailangang batas na hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa nakaraang State-of-the Nation Address, pasado na po lahat dito sa House of Representatives,” saad ni Speaker Romualdez sa mga kasamahang mambabatas sa pagbubukas ng ikatlo at huling regular session ng Kongreso.

“We have done our homework. We addressed concerns on food security, climate change, social protection, tourism, public health, public order and safety, among others,” sabi pa niya.

“In fact, the fruits of our overarching development agenda initiatives for the past two years are now slowly being felt across the nation,” wika pa ng House Speaker.

Patunay rito, ayon sa lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan ang matatag at magandang economic performance ng bansa sa nakalipas na taon.

Mula ikatlong bahagi ng 2022 hanggang sa unang quarter ng 2024 lumago aniya ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6.1 porsyento.

Katunayan sa unang quarter ng 2024, naungusan ng Pilipinas ang paglago ng ekonomiya ng Indonesia, (5.1 porsyento), Malaysia (4.2 porsyento), Singapore (2.7 porsyento), at Thailand (1.5 porsyento).

Batay naman sa pagtaya ng National Economic and Development Authority (NEDA), lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6-7 porsyento basta maipatupad ng tama ang mga polisiya ng pamahalaan..

“As a result, the country is expected to continue outperforming most emerging economies and expand further to a range of 6.5 percent to 7.5 percent in 2025,” sabi ni Speaker Romualdez.

Hindi aniya ito malayo sa pagtaya ng mga kilalang international financial institutions gaya ng International Monetary Fund (6.2 porsyento), Asian Development Fund (6.1 porsyento) at World Bank (5.9 porsyento).

“I believe, dear colleagues, that the policies have all been put in place and the gains of a competent, focused, and thorough legislative process are now bringing significant improvements to our economy,” dagdag ni Speaker Romualdez.

Bunsod naman ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ang mga respetadong credit rating firm gaya ng Fitch Ratings ay muli nitong binigyan ng investment-grade long-term foreign currency trading rating “BBB” ang bansa na may stable outlook.

“This indicates the country’s robust medium-term growth and suggests a reduced credit risk. It also states that our ability to meet financial obligations is sufficient. This can be attributed, in part, to the pursuit of priorities such as the Build-Better-More infrastructure program and investments in Public-Private Partnerships,” sabi pa ng lider ng Kamara.

“Malinaw po ang estado ng ating ekonomiya. Matibay at matatag. Pinag-titiwalaan hindi lamang sa loob ng ating bansa kundi maging sa buong mundo,” giit pa nito.

Tinukoy pa ng House Speaker na ang mga napagtagumpayan ng Kamara ay nakatulong sa mga Pilipinong nangangailangan at nakalinya sa Philippine Development Plan at Eight-Point Socio-economic Agenda sa ilalim ng Medium-term Fiscal Framework of the President.

Sinabi rin ng House leader sa kaniyang mga kasamahan na mula noong first regular session noong July 2022, umabot na sa 77 national bills ang naisabatas.

Sa ikalawang regular na sesyon lamang, nasa 58 batas ang napagtibay, ito ay dahil na rin aniya sa magandang samahan upang matapos ang trabaho.

Kabilang sa mga batas na napagtibay ang mga sumusunod: Republic Act No. 12009 o New Government Procurement Act, na naglalatag ng mahalagang reporma para protektahan ang pambansang pondo, maalis ang korapsyon at magkaroon ng competitive at patas na procurement environment; at Republic Act (RA) No. 12010 o Anti-Financial Accounts Scamming Act, na magpapalakass a financial system sapamamagitan ng pagsawata ng pamloloko, at pagkakaroon ng tiwala sa mga konsumer, negosyo at mamumuhunan.

Ilan pa sa mga nalagdaang batas ang Republic Act (RA) No. 11976, or the Ease of Paying Taxes, Act, Maharlika Investment Fund Act of 2023 (RA 11954), Extending the Availment of Tax Amnesty (RA 11956), One Town One Product Philippines Act (RA 11960), Trabaho Para sa Bayan Act (RA 11962), Public-Private Partnership Code of the Philippines (RA 11966);

Internet Transactions Act of 2023 (RA 11967), Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act (RA 11981), RA 11995 or Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System Act, RA 12006 o Free College Entrance Examinations Act, RA 11984 or No Permit, No Exam Prohibition Act, at RA 11997 o Kabalikat sa Pagtuturo Act.

Inulat din ni Speaker Romualdez na 100 porsyento ng natapos ng Kamara ang lahat ng 17 panukalang batas na inilahad ni Pangulong Marcos sa kaniyang 2023 State of the Nation Address (SONA).