Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Martin3

Speaker Romualdez; Kamara sisiyasatin ‘gentleman’s agreement’ ukol sa WPS

Mar Rodriguez Apr 30, 2024
123 Views

MISMONG si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang nagkumpirma na sisiyasatin ng Kamara de Representantes ang tinatawag na “gentleman’s agreement” sa pagitan ni dating Panguling Rodrigo Roa Duterte at gobyerno ng China patungkol sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Sa kanyang talumpati sa pagbabalik-session ng Kongreso ngayong Lunes (April 29, 2024) sinabi ng House Speaker na bilang pagtupad sa “oversight powers” ng Mababang Kapulungan ay kaniyang aatasan ang kaukulang Komite para masusing imbestigahan ang naturang kontrobersiyal na kasunduan.

Ipinaliwanag ni Speaker Romualdez na layunin ng pagsisiyasat na matukoy ang epekto ng nangyaring kasunduan sa pambansang interes o “mational interes” partikular na sa issue ng soberanya at integridad ng Pilipinas sa ating mga teritoryo.

Ayon kay Speaker Romualdez, katulad ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. siya rin ay “horrified” sa ideya ng gentleman’s agreement, dahil maaaring may nakompromiso rito.

Matatandaan na batay kay dating Pangulong Duterte na mayroon silang kasunduan ni Chinese President Xi Jinping na “status quo” sa West Philippine Sea partikular ang umano’y “ban” sa repair at resupply sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal.

Pero giit ni Romualdez, ang Ayungin Shoal ay parte ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas na pinagtibay ng 2016 arbitral ruling ng UNCLOS.