Martin4

Speaker Romualdez kinilala mga bayani ng Bataan

329 Views

KINILALA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga bayani ng Bataan na nagbuwis ng kanilang buhay para sa tinatamasang kalayaan ng bansa ngayon.

Ayon kay Speaker Romualdez ang “Fall of Bataan” ay nagsisilbing paalala sa mga Pilipino na patuloy na lumaban, humakbang pasulong, at magtagumpay ng may pagkakaisa.

“Today, as we commemorate Araw ng Kagitingan nationwide, we honor and recognize the gallantry of our fallen heroes, who willingly laid down their lives so that we can enjoy the blessings of freedom today. As we look back into the dark day that we now call the ‘Fall of Bataan,’ we must never forget the sacrifices of Filipino resistance fighters who stood up against the might of foreign invaders in World War II, which gave the rest of our nation the inspiration and strength to fight on,” sabi ni Speaker Romualdez.

“We suffered, we fought, and we prevailed,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Ayon sa lider ng Kamara ang pagharap ng bansa sa global health crisis na COVID-19 ay isang patunay ng lakas ng loob ng mga Pilipino.

“Let this day remind us that we are strong as a nation, that faced even with seemingly insurmountable odds we will always prevail as long as we are united, and as long as we continue to draw our strength from the virtues of our heroes. We do not give up, we press forward, and we overcome,” ani Speaker Romualdez.

“This day is a testament to Filipino courage and bravery, a fighting spirit that comes to the fore as we face adversity after adversity. This day reminds us of a priceless legacy: that the same courage and bravery our heroes displayed in the crucible of war–in the Fall of Bataan– run in our blood, through our veins. Isang mapagpalayang Araw ng Kagitingan sa inyong lahat!” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Ang Araw ng Kagitingan ay ipinagdiriwang tuwing Abril 9 sa bisa ng Executive Order No. 203, s. 1987 upang gunitain ang pagbagsak ng Bataan sa kamay ng mga Hapones noong Abril 9, 1942.

Inilabas naman ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Proclamation No. 90 upang gawing non-working holiday ang Abril 10, 2023 bilang pagkilala sa kahalagahan ng Araw ng Kagitingan.